^

PSN Palaro

Kenny Omega kinuha ng bagong WWE rival promotion

James Relativo - Philstar.com
Kenny Omega kinuha ng bagong WWE rival promotion
Kilala si Omega bilang ikatlong leader ng Bullet Club stable matapos umalis ni AJ Styles para sa WWE.
NJPW's official Youtube channel

MANILA, Philippines — Muling nakabingwit ng major talent signing ang bagong tatag na All Elite Wrestling kaninang umaga (Manila time) sa katauhan ng "Best Bout Machine" na si Kenny Omega.

Sa katatapos lang na Ticket Announcement Party ng AEW, ginulat ng dating IWGP Heavyweight Champion ng New Japan Pro Wrestling ang fans na nakatipon sa Las Vegas, Nevada.

Matagal nang inaabangan ng wrestling fans kung tatalon siya sa World Wrestling Entertainment papunta sa AEW matapos i-drop ang main title ng NJPW kay Hiroshi Tanahashi noong Marso.

"You know first and foremost, I must apologize. I made you guys wait an incredibly long time for me to make this anouncement. And trust me, it was never my intention. It's just so strange the way the world works with legalities and all that. But rest assured, I didn't put pen to paper until this morning," banggit ng 35-anyos na Canadian sports entertainer.

Kilala si Omega bilang ikatlong leader ng Bullet Club stable matapos umalis ni AJ Styles para sa WWE.

Itinuturing si Tyson Smith, tunay na pangalan ni Omega, bilang isa sa pinakamahusay na wrestler sa mundo ngayon.

Lalong umangat ang profile ni Omega sa mundo ng pro wrestling taong 2018 matapos bigyan ng 7 stars out of 5 ng Wrestling Observer Newsletter ang 2 out of 3 falls nila ni Kazuchika Okada.

Ito na ang pinakamataas na star rating na ibinigay ni Dave Meltzer para sa isang match sa kasaysayan.

"I am very happy and excited to announce that yes... I am now a full time member of the AEW roster," dagdag ni Omega.

Bigla namang lumabas si Chris Jericho, six-time world champion ng WWE, sa kalagitnaan ng talumpati ni Omega na nauwi sa komprontasyon.

Dati nang nagharap si Omega at Jericho noong Wrestlekingdom 12 para sa IWGP Interconinental championship na nabigyan ng 5-star rating.

Pinangalanan din si Omega bilang isa sa mga executive vice presidents ng AEW kasama sina Matt Jackson, Nick Jackson, at Cody.

AAA, OWE partnership

Kinumpirma din kanina sa event ang panibagong partnership sa pagitan ng AEW at Mexican promotion na Lucha Libre AAA Worldwide.

Bagama't wala sa press conference sa MGM Grand Garden Arena, binati naman ni Doria Roldan, General Manager ng AAA, ang AEW.

Dati nang nakipag-partner ang AAA sa competitor ng WWE na Impact Wrestling.

Kilala ang AAA para sa kanilang makulay at bayolenteng brand ng high-flying action.

Maaalalang nauna nang idineklara ng AEW ang partnership sa Chinese promotion na Oriental Wrestling Entertainment noong Enero.

"We will bring 5,000 years [of] Kung-fu in the US. This is something that has never been done in the history of professional wrestling," sabi ni Michael Nee, vice president ng OWE.

Double Or Nothing

Samantala, tila niluluto na rin ang match card para sa unang event ng AEW sa ika-25 ng Mayo na Double Or Nothing.

Ang sumusunod ay ang maaaring unang listahan ng mga laban base sa mga hamong inilatag sa press conference:

Kenny Omega vs. Chris Jericho

PAC vs. "Hangman" Adam Page

The Young Bucks vs. Pentagon Jr. and Rey Fenix

Maaalalang nag-organisa ng independent show ang mga EVP ng AEW noong 2018 na nakapag-sell out ng 10,000 seater venue.

Inaasahang direktang kakalabanin ng AEW ang dominasyon ng WWE. 

Presidente at CEO nito ang bilyonaryong si Tony Khan, na nababalitang nag-invest ng $100 milyon sa kumpanya.

ALL ELITE WRESTLING

KENNY OMEGA

PRO WRESTLING

WORLD WRESTLING ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with