^

PSN Palaro

Diamante, Obebe nanguna sa MOS awardees sa COPA meet

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Diamante, Obebe nanguna sa MOS awardees sa COPA meet
Ibinida ng mga miyembro ng RSS Dolphins Swimming Club, sa pangunguna ng MOS awardee na si Nicole Diamante (gitna) , ang mga medalyang napag-wagihan sa katatapos na Reunion Challenge National Finals ng COPA.

MANILA, Philippines — Nilangoy nina Nicole Queen Diamante at Pauline Obebe ang kani-kanilang ikaapat na gintong medalya para tanghaling Most Outstanding Swimmers (MOS) sa pagtatapos ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) Reunion Challenge National Finals kahapon sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Wagi ang 11-anyos na si Diamante ng RSS Dolphins Swim Team sa girls’ 11-yrs old Individual Medley sa itinalang 3:09.99.

Nagreyna naman ang 12-anyos na si Obebe ng Aquanights swim club sa parehong event sa tiyempong 2:51.27 .

Sa kanilang mga performance sa nakalipas na tatlong legs ng Reunion Series ay kinilala sina Diamante at Obebe bilang MOS awardees sa torneong inihandog ng Manlalangoy ng Pilipinas at suportado ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala, Speedo at Milo.

 Sina Diamante at Obebe ay bahagi ng National Capital Region (NCR) swimming team na lalahok sa PSC Batang Pinoy National Finals sa Disyembre 17-25 sa Vigan, Ilocos Norte.

MOST OUTSTANDING SWIMMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with