^

PSN Palaro

Jazz pinigil ang Warriors

Pilipino Star Ngayon
Jazz pinigil ang Warriors
Nailusot ni Utah Jazz forward Bojan Bogdanovic ang kanyang layup laban sa Warriors
STAR/ File

SALT LAKE CITY, Philippines — Nagsalpak si Bojan Bogdanovic ng 23 points para ihatid ang Utah Jazz sa 111-85 pagpigil sa nine-game winning streak ng Golden State Warriors.

Ang ikaapat na sunod na pananalasa ng Jazz (34-21) ang nag-upo sa kanila sa No. 4 spot sa Western Conference.

Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 14 points, 10 rebounds at  8 assists  habang humakot si center Hassan Whiteside ng 17 rebounds, 9 boards at 7 blocks.

Umiskor si Jordan Poole ng 18 points kasunod ang 16 markers ni Stephen Curry sa panig ng Warriors (41-14) para sa No. 2 seat sa West sa ilalim ng NBA-leading Phoenix Suns (44-10).

Kinuha ng Golden State ang 15-2 abante bago kumamada ang Utah para tuluyan nang makalayo sa 92-67 sa 8:47 minuto ng fourth quarter.

Sa Charlotte, humataw si DeMar DeRozan ng 36 points at may 27 markers si Zach LaVine sa pag-akay sa Chicago Bulls (34-21) sa 121-109 paggupo sa Hornets (28-28).

Sa Portland, kumamada si Anfernee Simons ng 29 points sa 107-105 paglusot ng Trail Blazers (22-34) sa Los Angeles Lakers (26-30).

Sa Oklahoma City, humakot si Pascal Siakam ng 27 points at 16 rebounds habang may 21 markers si Fred VanVleet sa 117-98 panalo ng Toronto Raptors (30-23) sa Thunder (17-37).

Sa Sacramento, naglista si Harrison Barnes ng 30 points at kumolekta si Domantas Sabonis ng 22 points at 14 rebounds sa 132-119 pagdaig ng Kings (21-36) sa Minnesota Timberwolves (29-26).

BOJAN BOGDANOVIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with