^

PSN Palaro

Lopez pumirma sa OTE

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumirma ng kontrata si Gilas Pilipinas standout L­ebron Lopez sa Overtime Elite (OTE) sa Amerika.

Hindi na daraan pa sa college basketball si Lopez matapos magdesisyong sumampa agad sa professional level.

Inihayag ni OTE basketball operations head Brandon Williams ang magandang balita kung saan nais nitong mas lalo pang hubugin ang talento ng Pinoy cager.

“We’re delighted to have Lebron join the OTE family as we expand our international reach, bringing in top talent from across the globe,” ani Williams.

Tiwala si Williams na mas lalalim pa ang karanasan ni Lopez sa OTE dahil sa mga world-class coaches at trainers doon gayundin ang mga high-tech training facilities at scientific programs para sa mga players.

Matatandaang mi­yembro si Lopez ng Gilas na sumalang sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Sa kanyang huling taon sa Ateneo High School sa UAAP, nagrehistro si Lopez ng averages na 16.0 points, 9.2 rebounds at 3.0 blocks dahilan upang makuha ng lahat ang atensiyon nito.

Hindi inilabas ang nilalaman ng kontrata nito subalit ang minimum contract ay nagkakahalaga ng $100,000 o halos P5 milyon.

LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with