^

PSN Palaro

Danding malaking kawalan sa Philippine sports

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Danding malaking kawalan sa Philippine sports
Sports patron Danding Cojuangco
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumuhos ang pakikiramay ng mga sports personalities sa pagpanaw ni sports patron Eduardo “Danding” Cojuangco kahapon sa edad na 85.

Malaki ang nai-ambag ni Cojuangco sa mundo ng sports.

Ilang national sports associations at atleta rin ang tinulungan nito sa kanilang mga international competitions.

Si Cojuangco rin ang Chief Executive Officer ng San Miguel Corporation na may koponan sa Philippine Basketball Association.

Boss Danding ang karaniwang tawag sa kanya sa sports community.

Kaya naman kaliwa’t kanang mensahe mula sa mga basketball players, coaches at iba pang atleta at opisyales ang ibinigay kay Cojuangco na nag-iwan ng malaking bahagi sa sports community.

“Thank you for your countless contribution to the PBA and Philippine sports! Our prayers and condolences to his family and loved ones,” ayon sa post ng PBA sa social media.

Nakiramay din si multi-awarded PBA coach Tim Cone ng Barangay Ginebra na itinuturing na hindi lamang boss kundi isang mabuting kaibigay si Cojuangco.

“A tremendous friend to Philippine basketball. Our prayers for him and the Cojuangco family. The passing of an era,” ani Cone.

Nagpaabot din ng pakikiramay sina dating PBA commissioner Noli Eala, PBA legend Erik Menk at University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.

Napaulat na namatay si Cojuangco dahil sa lung cancer.

vuukle comment

DANDING COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with