^

PSN Palaro

Dindin tuloy ang workout sa bahay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Dindin tuloy ang workout sa bahay
Ang mag-asawang Chico at Dindin Santiago-Manabat habang nag­wo-workout.
Larawan mula sa Instagram

MANILA, Philippines — Para manatili sa kundis­yon, tuloy ang workout ni middle blocker Dindin Santiago-Manabat sa kanilang tahanan kasama ang kanyang asawang si Chico Manabat.

Kita sa ilang Instagram post ni Dindin na ilang routines ang pinapagawa ni Manabat sa kanyang 6-foot-2 wife.

Nagbiro pa si Dindin sa mga pahirap na ipinapagawa sa kanya ni Manabat na assistant coach sa NU men’s basketball team.

“Post ko lang ‘yung pahirap ni @kots_chico sa akin. Wala pa ‘yung iba kasi nambibigla siya sa trip niya pagawa sa akin. Ganito yata kapag coach ang asawa,” pabirong post ni Dindin.

Natigil ang lahat ng liga sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang na ang Japan Volleyball League kung saan naglalaro si Dindin.

Sa kabila ng pagkakahinto, mas nais ni Dindin na ituloy ang personal na trai­ning workout upang mapanatili ang tamang porma nito.

Nagpapakundisyon si Dindin para maging handa ang kanyang katawan sa oras na magbalik aksiyon na ang liga.

Kasalukuyan itong mi­yembro ng Kurobe Aqua Fairies na isang Japanese volleyball club. Isa si Dindin sa dalawang foreign imports ng Kurobe.

Noong nakaraang taon, naglaro si Dindin para sa Toray Arrows na nagtapos sa ikaanim na puwesto sa V. League Division 1.

Maliban sa kanyang Japanese club na Kurobe, miyembro pa rin si Dindin ng Chery Tiggo sa Philippine Superliga.

Nakansela rin ang PSL Grand Prix noong Marso dahil sa coronavirus di­sease (COVID-19).

Tinulungan ni Santiago ang Ageo na masungkit ang tansong medalya sa parehong liga na nilaruan ni Dindin noong nakaraang taon.

vuukle comment

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with