^

PSN Palaro

World Cup of Pool kanselado rin!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
World Cup of Pool kanselado rin!
Efren Bata Reyes

MANILA, Philippines — Tuloy ang kanselasyon ng mga major events sa taong ito kabilang na ang prestihiyosong World Cup of Pool na idaraos sana sa Hunyo 23 hanggang 28 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nagdesisyon ang organizing committee na Matchroom Pool na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng naturang world meet dahil pa rin sa patuloy na pagdami ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo.

Wala pang opisyal na statement ang mga organizers sa bagong petsa ng pagsasagawa ng World Cup of Pool ngunit inaasahang ilalatag ito sa oras na matapos na ang krisis na dulot ng COVID-19.

Pangunahing dahilan ng Matchroom Pool ang kapakanan ng mga pla­yers, officials at mga fans na manonood sa torneong magtatampok ng mahuhusay na cue masters mula sa mahigit 40 bansa.

“Matchroom Pool, together with MoS (Ministry of Sports) and CBX, the official promoter of the event in Saudi Arabia, have taken this decision with the health and safety of pla­yers, spectators and staff as the paramount concern,” ayon sa statement ng mga organizers.

Pilipinas at China ang magkasalo sa unahan ng ranking na may pinakamaraming korona sa World Cup of Pool hawak ang tig-tatlong titulo.

Unang nagkampeon ang Pilipinas noong 2006 edisyon sa ngalan nina le-gendary cue masters Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na ginanap sa Wales.

Tinalo nina Reyes at Bustamante sina American duo Earl Strickland at Rodney Morris sa finals sa pamamagitan ng 13-5 demolisyon.

Muli itong naulit nina Reyes at Bustamante nang pagharian ng dalawa ang 2009 edisyon na ginanap sa Pilipinas.

Pinataob nina Reyes at Bustamante sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany sa iskor na 11-9.

Nakuha naman nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ang ikatlong korona ng Pilipinas matapos mamayagpag sa 2013 edisyon sa London, England kung saan ginapi ng Pinoy tandem sina Niels Feijen at Nick Van den Berg ng Netherlands sa finals, 10-8.

Noong 2019 edisyon sa Leicester, England, nagkasya lamang sa runner-up trophy sina Carlo Biado at Jeffrey de Luna makaraang lasapin nito ang 3-11 kabiguan kina Mario He at Albin Ouschan ng Austria sa finals.

Ito ang ikatlong major event na nakansela sa taong ito dahil sa COVID-19. Una na ang US Open at ang World Pool Masters na pareho sanang lalarga noong Marso.

WORLD CUP OF POOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with