^

PSN Palaro

San Miguel masusukat sa pocket tournament

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Lalaro na wala si Fajardo

MANILA, Philippines — Habang pinaghahandaan ang darating na 2020 PBA Philippine Cup ay sasabak muna ang apat na koponan para sa isang mini-tournament sa Upper Deck Sports Center sa Ortigas City.

Ang mga tropang kasali sa torneo ay ang San Miguel, NLEX, Phoenix at Alaska.

Makakasukatan ng Beermen ang Fuel Masters ngayong alas-10 ng umaga kasunod ang bakbakan ng Aces at Road Warriors sa alas-12 ng tanghali.

Matutunghayan ang ikikilos ng San Miguel dahil sa hindi paglalaro ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo sa kabuuan ng season-opening conference dahil sa kanyang leg injury.

Inaasahang bibigyan ni Beermen head coach Leo Austria ng mahabang playing time si 6-foot-8 Fil-Tongan Moala Tautuaa, nahugot nila mula sa NorthPort Batang Pier matapos ibigay si 6’8 Fil-German Christian Standhardinger.

Nagrerekober pa ang 6’10 na si Fajardo matapos ang matagumpay na surgery sa kanyang complete fracture tibia injury.

Bukod kay Tautuaa, ipaparada rin ni Austria sina one-time PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot, Terrence Romeo at Chris Ross.

Kagaya ng San Miguel, may problema rin ang Phoenix ni mentor Louie Alas sa kanyang frontline.

Ito ay matapos sumailalim sa kanilang mga surgery sina forward Jake Pascual (ACL) at center Dave Marcelo (bone spur).

Muli namang babandera para sa NLEX ni coach Yeng Guiao sina combo guard Kiefer Ravena at 6’8 slotman Poy Erram katapat sina Vic Manuel, JVee Casio at Jeron Teng ng Alaska ni mentor Jeffrey Cariaso.

Sa Miyerkules ay magtutuos ang Fuel Masters at Aces sa alas-10 ng umaga at magkikita naman ang Beermen at Road Warriors sa alas-12 ng tanghali.

Makakalaban ng Phoenix ang NLEX sa alas-10 ng umaga kasunod ang bakbakan ng San Miguel at Alaska sa alas-12 ng tanghali sa Biyernes.

Ipinagpaliban ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagbubukas ng torneo sa Marso 1 bunga ng banta ng coronavirus.

Inilipat ito ng liga sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

2020 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with