^

PSN Palaro

6 ginto puntirya ng Phl Obstacle sa 30th SEAG

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
6 ginto puntirya ng Phl Obstacle sa 30th SEAG
Ang tropa ay binubuo nina Kevin Pascua, Mark Rodelas, Sherwin Ma­nagil, Mervin Guarte, Jeffrey Reginio, Nathaniel Sanchez, Monolito Divina at Kyle Antolin sa men’s side.

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang 16-man lineup ng Pilipinas Obstacle Sports Federation (POSF) na isasabak sa darating na 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang inihayag kahapon ni POSF president Atty. Alberto Agra sa Phi-lippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel, Manila kung saan anim na gold medals ang nakataya sa 2019 SEA Games.

Ang tropa ay binubuo nina Kevin Pascua, Mark Rodelas, Sherwin Ma­nagil, Mervin Guarte, Jeffrey Reginio, Nathaniel Sanchez, Monolito Divina at Kyle Antolin sa men’s side.

Sina Rochelle Suarez, Milky Mae Tejares, Sandi Abahan, Glorien Merisco, Kaizen Dela Serna, Deanne Moncada, Klymille Rodriguez at Diana Buhler ang kakampanya sa female side.

“We are doing everything in training. The aim is to win all six gold medals in the SEA Games,” sabi ni Merisco kasama rin sina coach Edward Obiena at Judith Staples ng team sponor Luminox.

Ang anim na gold me-dals na paglalabanan sa obstacle sports event sa 2019 SEA Games ay sa men’s at women’s individual 5 km x 20 obstacles, men’s at women’s 100m x 10 obstacles at sa 400m x 12 obstacles team  assist at team relay.

Kasalukuyan nang pinapanalisa ng POSF ang gagamiting venue na maaaring ilagay sa Sunken Garden sa University of the Philippines campus.

PILIPINAS OBSTACLE SPORTS FEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with