^

PSN Palaro

Black Mamba didikit sa playoffs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makalapit sa playoff spot ang tatangkain ng Black Mamba sa pagharap nito laban sa Hyperwash sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtatagpo ang E­nergy Drink (2-1) at Vipers (2-2) sa ala-1:30 na agad namang susundan ng duwelo ng Italiano’s Homme (1-2) at Alberei (0-4) sa alas-3:30.

Nais ng Black Mamba na sundan ang kanilang 78-73 panalo laban sa Italiano’s Homme noong nakaraang linggo para makadikit sa quarterfinals slot.

Nauna nang nagmartsa sa quarters ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare College at Technological Institute of the Philippines.

“One more win and we’re near to getting a playoff spot. I told my pla-yers that we don’t have to wait anymore for situations of a team losing or winning a certain game just for us to make it,” ani Black Mamba head coach Vis Valencia.

Aasahan ni Valencia sina Dahrell Caranguian, Joco Tayongtong at PJ Barua na siyang pangunahing puwersa ng tropa.

Ngunit determinado rin ang Hyperwash na umentra sa playoffs.

Kailangan lang nitong maipanalo ang kanilang mga nalalabing laro para higit na lumakas ang tansa sa quarters.

Umukit ang Vipers ng dalawang sunod na panalo tampok ang record-setting 144-138 win laban sa McDavid-La Salle Araneta noong nakaraang linggo.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with