^

PSN Palaro

2 golds kinuha ng Team Phl sa Asean School Games

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon
2 golds kinuha ng Team Phl sa Asean School Games

SEMARANG, Indonesia -- Matapos ang ilang araw na paghihintay, naka­sungkit din ang Pilipinas ng gintong medalya – isa sa swimming at isa sa athle­tics - sa 11th Asean School Games na ginaganap sa Jatidiri Sports Complex dito.

Bumandera sa Pilipinas si Philippine national junior record holder Samantha Therese Coronel makaraang mangibabaw sa girls’ 100m backstroke.

Naglagak si Coronel ng isang minuto at 6.59 se­gundo para hablutin ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa swimming event.

Nakamit naman ni Mishka Sy ang tansong medalya sa naitalang 1:07.84 sa pa­rehong event, habang na­pasakamay ni Azmina Pri­midit Ulol (1:07.80) ng In­donesia ang pilak.

Isa pang gintong me­dalya ang nasikwat ng Pi­lipinas mula naman kay Ann Katherine Quitoy sa girls’ javelin throw sa athle­tics competition.

Bumato si Quitoy ng 47.05 metro para masiguro ang unang puwesto.

Tinalo ni Quitoy si Fira Fir­liana Yuni ng Indo­nesia na nagsumite ng 46.34m pa­ra magkasya sa pilak ka­sunod si Siti Aminah Binti Ab­dul Hadi (45.84m) ng Ma­laysia para sa tanso.

May da­lawang ginto, anim na pi­lak at 12 tansong me­dalya ang Pilipinas sa Asean School Games para sa ikaanim na puwesto.

Nangunguna ang host Indonesia na may nalikom na 20 ginto, 20 pilak at 15 tanso kasunod ang Thailand (17-19-19), Malaysia (15-15-14), Singapore (6-4-11) at Vietnam (6-3-4).

SAMANTHA THERESE CORONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with