^

PSN Palaro

Cignal itataya ang katatagan vs Petron

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cignal itataya ang katatagan vs Petron
Masisilayan ang matinding aksiyon sa pagitan ng Blaze Spikers at HD Spi­kers sa alas-2:30 ng hapon habang magtutuos din ang two-time Grand Prix champion Foton at PLDT Home Fibr sa alas-4:30.
facebook

MANILA, Philippines — Asahan ang mainit na bakbakan sa paghaharap ng three-peat seeking P­etron at wala pang talong Cignal sa pagdayo ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference nga­yong hapon sa Muntinlupa Sports Center.

Masisilayan ang matinding aksiyon sa pagitan ng Blaze Spikers at HD Spi­kers sa alas-2:30 ng hapon habang magtutuos din ang two-time Grand Prix champion Foton at PLDT Home Fibr sa alas-4:30.

Target ng Petron na makabalik sa porma makaraang matalo ito sa F2 Logistics noong Huwebes sa iskor na 21-25, 25-17, 25-27, 19-25 dahilan upang mahulog sa 2-1 rekord.

Hirap ang Blaze Spi­kers na pigilan si Filipino-American spiker Kalei Mau na umiskor ng 21 kills at dalawang blocks para dalhin ang Cargo Movers sa 4-0 marka.

Sa kabila nito, hindi pa panic mode ang isip ni Petron coach Shaq Delos Santos dahil magandang pagkakataon ito upang matuto sa kanilang mga pagkakamali.

“It’s all part of the game, part of our learning process. Instead of pressing the panic button, we have to recover and go back to training. We need to plan our attacks and put everything into action on Saturday,” ani Delos Santos.

Reresbak para sa Pet­ron sina Bernadeth Pons, Ces Molina, Mika Reyes, Remy Palma at Aiza Maizo-Pontillas kasama si playmaker Rhea Dimaculangan.

Inaasahang makalalaro na rin si Sisi Rondina na nagbakasyon sa Japan bilang bahagi ng kanyang reward sa pagpasok ng UST sa finals ng UAAP Season 81.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO

CIGNAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with