SMB-Alab sinibak ng Hong Kong
MANILA, Philippines — Nahubaran ng korona ang San Miguel Alab Pilipinas matapos matalo sa Hong Kong Eastern Sports Club, 84-102 sa Game 2 ng Asean Basketball League (ABL) Season 9 best-of-three quarterfinal sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.
Maganda naman ang simula ng Beermen nang kunin nito ang 18-6 kalamangan sa first quarter na tinuldukan ng umaatikabong tres ni PJ Ramos.
Subalit nagpasabog ang Hong Kong Eastern ng 19-5 run para maagaw ang bentahe, 25-23.
Nagawa pang palawigin ng Hong Kong ang abante sa 25 puntos sa ikatlong kanto para tuluyang tuldukan ang pag-asa ng Alab Pilipinas.
Winalis ng Hong Kong Eastern ang serye tangan ang 2-0 desisyon kung saan nanalo rin ito laban sa Alab Pilipinas sa Game 1 (90-88) noong Biyernes sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu.
- Latest