^

PSN Palaro

Azkals sibak sa Vietnam sa AFC Cup

Pilipino Star Ngayon
Azkals sibak sa Vietnam sa AFC Cup

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nakawala ang tsansa ng Philippine na­tional football team sa AFF Suzuki Cup.

Ito ay matapos isuko ng Azkals ang 1-2 pagkatalo sa Vietnam sa second leg ng semifinal round ng torneo sa My Dinh National Stadium  noong Huwebes ng gabi.

Nauna nang yumukod ang Philippine squad sa mga Viet­namese, 1-2, sa Bacolod City.

Bago ang nasabing kabiguan ay hinangad ng Azkals na maduplika ang kanilang “Miracle of Hanoi” kung saan nila tinalo ang Vietnam, 2-0, noong 2010.

Hindi pinaiskor ng Philippine squad ang host team sa first half, ngunit naisuko ang dalawang goals mula ki­na Nguyen Quang Hai (83rd minute) at Nguyen Cong Phuong (86th minute).

Naibigay naman ni James Younghusband ang una at huling goal ng Azkals sa 89th minute.

Dahil sa pagwalis sa Azkals sa kanilang dalawang la­ban ay umabante ang Vietnam sa final round bitbit ang 4-2 aggregate score.

Nakatakdang labanan ng mga Vietnam ang mga Malaysia, tumalo sa Thailand sa isa pang semifinal pairing.

AFF SUZUKI CUP

AZKALS

PHILIPPINE NA­TIONAL FOOTBALL TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with