^

PSN Palaro

Hotshots tinuhog ang Elite

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Balanseng opensa ang inilabas ng Star Hotshots upang patumbahin ang Blackwater Elite, 96-90  tungo sa ikalimang panalo kahapon sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbida si import Tony Mitchell na humataw ng double-double na 17 puntos at 15 rebounds habang nakatuwang nito si Paul Lee na kumana ng 15 puntos, limang rebounds at limang assists para tulungan ang Hotshots na umangat sa 5-2.

Malaki rin ang kontribusyon ni Jio Jalalon na gumawa ng 13 puntos, limang boards at isang assist samantalang nag-ambag sina Justin Melton at Allein Maliksi ng tig-10 puntos at sina Ian Sangalang at Mark Barroca na may tig-siyam na puntos.

“We need this win going into the All-Star break since we have no game for two weeks. In our previous  losses we allowed our opponents to score over 100 points,” ani Hotshots mentor Chito Victolero.

Laglag sa 1-6 ang Elite na nakakuha ng 27 puntos mula kay Niño Canaleta.

Umariba naman si Gregory Stephen Smith ng 22 markers, 29 boards at anim na assists habang may 11 puntos si Michael Vincent Digregorio.

Magpapatuloy ang aksiyon ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum kung saan maghaharap ang Mahindra at Globalport sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Talk ’N Text at Barangay Ginebra sa alas-6:45 ng gabi.

Target ng Texters na makuha ang ikaanim na panalo habang umaasa ang Gin Kings na mapaganda ang 3-1 ba­raha.

Mag-uunahan naman ang Batang Pier (1-5) at Floodbusters (1-5) na mahablot ang ikalawang panalo.

ELITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with