^

PSN Palaro

‘Pacman’ maglalaro pa rin sa Mahindra

Pilipino Star Ngayon

SEOUL – Matapos ang laban kay Jessie Vargas ay inaasahan ng Mahindra Flood­busters na babalikan sila ni Manny Pacquiao sa PBA.

“As he himself has been saying he loves basketball more than boxing,” wika ni To­mas Alvarez, kinatawan ng Floodbusters sa PBA board of governors.

Naniniwala si Alvarez na mananalo si Pacquiao kay Vargas sa kanilang upakan ngayon sa Thomas & Mack sa Las Vegas, Nevada.

At matapos ito ay babalik ang Filipino boxer sa PBA para muling maglaro sa Mahindra kung saan siya tumatayong playing coach.

“He really loves basketball,” wika ni Alvarez kay Pacquiao.

Naging respetado ang ipinakita ng Floodbusters, dating Enforcers, sa nakaraang 2016 PBA Governors Cup makaraang tumapos sa fifth place.

 Ngunit kamakailan ay binitawan ng Mahindra ang mga core players na sina KG Canaleta, Aldrech Ramos, Paolo Taha at Bradwyn Guinto sa pamamagitan ng trade.

Napanood si Pacquiao sa tatlong laro sa Governors Cup kung saan siya nagsalpak ng kauna-unahan niyang three-pointer sa PBA mula sa 97-88 panalo sa Blackwater.

JESSIE VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with