^

PSN Palaro

PBAPC pararangalan ang mga top personalities

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pararangalan ng PBA Press Corps ang mga top personalities na nangibabaw sa katatapos na season sa pagdaraos ng Annual Awards Night sa Oct. 22 sa Gloria Maris restaurant sa loob ng Gateway Mall sa Araneta Center sa Cubao.

Gugunitain sa pang alas-7 ng gabing event ang namayapang si legendary coach Virgilio ‘Baby’ Dalupan, ang Coach of the Year award ay ipina­ngalan sa kanya ng PBAPC

Inimbitahan ang pamilya, mga players, league officials at kasamahan ng tinaguriang ‘The Maestro’ sa okasyon na inihahandog ng Cignal para alalahanin ang champion coach ng Crispa, Great Taste at Purefoods na namatay sa edad na 92-anyos noong Agosto.

Nagtala si Dalupan ng kabuuang 15 titulo sa pro league--kasama rito ang kauna-unahang PBA Grand Slam noong 1976-- isang all-time record na kamakailan ay binasag ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Ang Baby Dalupan Coach of the Year award ang muling magiging tampok na parangal na nakamit ni San Miguel’s Leo Austria noong nakaraang taon. Ipagkakaloob din ang Executive of the Year, tinanggap ni TNT Katropa board of governor Patrick Gregorio noong 2015.

Pararangalan sa formal rite na suportado ng Chancellor bilang official outfitter ay ang Mighty Sports-Defensive Player of the Year, Bogs Adornado Comeback Player, Mr. Quality Minutes at angAccel Order of Merit na awtomatikong ibibigay sa player na may pinakamara­ming beses nahirang na Player of the Week.

Ang iba pang awards na ipapamahagi ay ang scoring champion, Accel All-Rookie team at ang All-Interview team na ibabalik ng PBAPC ngayong taon.  

 

PBAPC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with