Letran winakasan ang paghahari ng San Beda sa NCAA
MANILA, Philippines – Tumuon sa crucial jump shot ni Jomari Sollano ang Colegio de San Juan de Letran upang agawin ang trono sa five-peat champion San Beda College, 85-82, sa overtime ng Game 3 Finals ng NCAA Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Isang jump shot ni Sollano sa kaliwang baseline ang nagbigay ng kalamangan sa Knights at kalaunan ay kampeonato na huli nilang natikman noon pang 2005.
Hindi magiging posible ang tira ni Sollano kung hindi sa magandang set-up ng Finals MVP Mark Cruz na tumapos ng 14 points, six rebounds at pitong assists.
Napakagandang pagkakataon naman para kay Sollano na maitala ang kaniyang career-high na 19 points na inayudahan pa ng PBA bound na si Kevin Racal ng 23 markers.
Kaya na sanang wakasan ng Letran ang serye sa 4th quarter ngunit nabura ng Red Lions ang kanilang walong puntos na kalamangan hanggang sa maitabla ang laban sa 75-all.
"I hope you enjoyed the whole season. Para sa inyo ito, tama na ang sakit" wika ng rookie Letran coach Aldin Ayo.
Unang nanaig ang Letran sa game 1, 94-90, ngunit hindi pumayag ang San Beda na ibigay agad ang titulo sa game 2 nang makuha nila ang panalo at makapuwersa ng game 3, 68-61.
- Latest