^

PSN Palaro

Lady Bulldogs binawian ng Lady Maroons

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Lady Bulldogs binawian ng Lady Maroons
The UP Fighting Maroons celebrate after pulling off a a come-from-behind 26-24, 23-25, 17-25, 25-23, 15-12 shocker over previously unbeaten NU.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Nag-apoy ang opensa ni  Nina Ytang upang mantsahan ng Universityof the Philippines ang malinis na karta ng defending champions National University, 26-24, 23-25, 17-25, 25-23, 15-12 sa second round ng UAAP Season 87 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil-EcoOil Centre sa San Juan City, kahapon.

Umarangkada si Ytang ng 30 points mula sa 27 attacks at tatlong blocks upang akayin ang Lady Maroons sa panalo at ipalasap sa Lady Bulldogs ang unang kabiguan sa siyam na laro.

May tsansa sanang itakas ng NU ang panalo nang makalamang sila ng isang set na panalo, 2-1 pero nabulaga sila ni Ytang nang magliyab ang kanyang opensa kaya nasilo ng Lady Maroons ang set 4 at 5.

Nagkamada si Joan Marie Monares ng 16 mar­kers habang tig-10 points ang kinana nina Kianne Louise Olango, Irah Anika Jaboneta at Bienne Louis Bansil upang kumpletuhin ang upset win para sa UP.

“Bilog talaga ang bola. Binigay lang namin talaga lahat eh. Sabi nga namin nung fifth set, dito na, malayo na tayo, kaya bakit pa tayo susuko?, tulungan at tiyaga lang sa loob ng court,” ani ng 23-anyos middle blocker na si  Ytang.

Dahil sa panalo nakabangon agad ang Lady Maroons mula sa five-set loss sa Ateneo de Manila University noong Sabado.

Samantala, winalis ng Far Eastern University ang nagkukumahog na University of the East, 25-20, 25-20, 25-23 sa second game ng women’s division.

Napaganda ng Lady Tamaraws ang kanilang karta sa 6-3 para hawakan ang solo second place, dalawang larong bentahe sa nangungunang Lady Bulldogs.

Nagtala sina Chenie Tagaod at Gerzel Mary Petallo ng tig 15-puntos habang pito ang kinana ni Faida Bakanke para sa FEU na sunod na makakalaban ang defending champion National University sa darating na Linggo.

Tumikada si KC Cepada ng 13 points para sa Lady Red Warriors.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with