^

PSN Palaro

Coast Guard, Navy babangon sa V-League

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  Coast Guard vs Navy

 

MANILA, Philippines – Babangon ang Coast Guard Lady Dolphins at Navy Lady Sailors sa pagkatalo sa unang laro sa kanilang pagkikita sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananalo sa la­rong magsisimula sa ganap na alas-12:45 ng hapon ay magtatabla sa kanilang karta matapos ang dalawang laro para kapitan pa ang ikaapat na puwesto sa ligang i­norganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Natalo ang Lady Dolphins sa PLDT Ultra Fast Lady Hitters, 10-25, 11-25, 20-25 habang ang Lady Sailor ay dumapa sa UP Lady Maroons, 25-19, 23-25, 23-25, 23-25.

Magkasukat ang lakas ng magkabilang koponan kaya’t makakaasa na magiging mahigpitan ang kanilang tagisan.

Sina Pau Soriano, Hezzymie Acuna at Lilet Mabbayad ang magdadala sa Navy habang ang Coast Guard ay aasa sa ga­ling nina Rossan Fajardo, Sandra delos Santos at Samantha Dawson.

Single-round robin ang elimination round at ang mangungunang apat sa anim na kasali ang aabante sa semifinals.

Magkakasama sa lide­rato ang PLDT, UP at Army Lady Troopers sa 1-0 karta at babasagin ang kanilang pagkakatabla sa pagpapa­tuloy ng liga bukas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD

COAST GUARD LADY DOLPHINS

HEZZYMIE ACUNA

HOME ULTERA

LADY

LADY DOLPHINS

LADY MAROONS

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with