^

PSN Palaro

Bidding ng Pinas sa 2016 WWCC pinalakas ng mga stakeholders

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gumanda pa ang pag­nanais ng Pilipinas na gawin sa bansa ang 2016 World Women’s Club Championship nang magpahayag ng suporta sa plano ang mga stakehol­ders ng volleyball sa bansa.

Sa pagpupulong na ginawa kamakailan kasama si FIVB executive board member Stav Jacobi ay nangako ang Philippine SuperLiga (PSL), Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) at TV5 na gagawin ang lahat para makuha ng bansa ang hosting ng kompetisyon sa Oktubre.

Bukod sa Pilipinas ay nag-bid din ang Istanbul, Turkey pero nasabi ni Jacobi na mas maganda ang tsansa ng bansa na makuha ito dahil nais ng international volleyball body na sa Asia ito ganapin.

“Mr. Jacobi laid down all the FIVB requirements and all the stakeholders involved are willing to comply,” wika ni PSL president Ramon “Tats” Suzara.

Kasama sa sinabi ni Jacobi ang P100 milyong pondo na kailangan at wala itong problema sa mga stakeholders dahil may sapat na panahon pa para makapaghanda at makakuha ng mga sponsors.

Ang mga bansang Brazil, Russia, Turkey, Italy, Serbia at US ang mga darating para bumuo sa walong koponan na magtatagisan sa loob ng 10 araw.

Si PSL chairman Philip Ella Juico ay dumalo rin sa pagpupulong bukod pa kina LVPI vice president Peter Cayco at TV 5 head Vincent “Chot” Reyes.

Nakita na rin ni Jacobi ang Mall of Asia Arena sa Pasay City na siyang

pagdarausan ng kompetisyon at ang Solaire Resort and Casino at Sofitel Philippine Plaza Hotel na siyang tutuluyan ng mga bisita na pasado sa panlasa ng FIVB official. (AT)

ACIRC

ANG

CLUB CHAMPIONSHIP

JACOBI

LARONG VOLLEYBALL

MALL OF ASIA ARENA

MR. JACOBI

PASAY CITY

PETER CAYCO

PHILIP ELLA JUICO

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with