Petron Spikers dadaan sa butas ng karayom
MANILA, Philippines – Dadaan sa butas ng karayom ang hangarin ng Petron Lady Blaze Spikers kung ang pagsali sa 16th AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Ha Nam Competition Hall sa Phu Ly, Vietnam ang pag-uusapan.
Ito ay dahil sa ang Petron ay naka-grupo kasama ang matitikas na koponan sa Group B.
Nasa grupo ang Azad University ng Iran, 4.25 Sports Club ng North Korea, Zhejiang ng China at Hisamitsu Seiyaku Springs ng Japan na isang two-time champion sa torneo.
Ang Thong Tin Lienvietpostbank ng host Vietnam, Taiwan Power ng Chinese Taipei, Zhetyssu ng Kazakhstan at Bangkok Glass ng Thailand ang nasa Group A.
Nakuha ng Petron ang karapatan na katawanin ang bansa sa kompetisyon dahil sila ang nagkampeon sa PSL Grand Prix noong nakaraang taon.
Sina Dindin Manabat, Rachel Ann Daquis at Aby Maraño ay sasamahan ng mga Brazilian imports na sina Erica Adachi at Rupia Inck para bigyan ng disenteng kampanya ang koponan sa naturang kompetisyon.
- Latest