^

PSN Palaro

LVPI kinilalang NSA ng volleyball sa bansa ng POC

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) na ang opisyal na National Sports Association (NSA) sa volleyball.

Ito  ay nangyari nang ibigay ng Philippine Olympic Committee (POC) ang rekognisyon sa LVPI na pi­­nangungunahan ng pa­ngulong si Jose Roma­santa na siya ring vice pre­sident ng POC.

Ginawa ito sa POC Ge­neral Assembly noong Miyerkules sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City at nangyari ito dahil sa naunang rekognisyon na ibinigay ng FIVB sa isang pagpupulong noon pang Mayo 12.

Si FIVB president Ary Gra­ca ang siyang nagpa­dala ng liham noong Mayo 18 para sabihin na ang LVPI ang “legitimate and exclusive authority, under the leadership of its President, Mr. Jose Romansan­ta and its Secretary General Mr. Ricky Palou, to govern Volleyball and Beach Vol­ley­ball in the Philippines.”

Binigyan din ng puntos ng POC ang pagbubuo ng LVPI ng koponan na isinali sa mga kompetisyon sa ibang bansa, tampok na rito ang men’s at women’s team na naglaro sa SEA Games sa Singapore no­ong Hunyo.

Makakagalaw na ang LVPI para maisulong ang mga programa na nakabitin.

ACIRC

ANG

ANG LARONG VOLLEYBALL

ARY GRA

JOSE ROMA

MANDALUYONG CITY

MR. JOSE ROMANSAN

MR. RICKY PALOU

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with