^

PSN Palaro

Adamson, FEU agawan sa krusyal na panalo

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8 a.m.  UST vs ADMU (M)

10 a.m.  AdU vs NU (M)

2 p.m.  UE vs UST (w)

4 p.m.  AdU vs FEU (W)

 

MANILA, Philippines - Nahaharap sa do-or-die game ang Adamson Lady Falcons at FEU Lady Tamaraws habang kakapit naman ang UST Tigresses sa playoff sa pagbangga sa UE Lady Warriors sa 77th UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Adamson at FEU ay magtutunggalian sa huling laro dakong alas-4 ng hapon at ang matatalo ay sasamahan ang UE na talsik na sa kompetisyon.

Bago ito ay magku­krus ang landas ng UST at UE sa alas-2 ng hapon at masasabing a­ngat ang Tigresses sa Lady Warriors para magkaroon pa ng buhay ang paghahabol sa huling upuan sa step-ladder semifinals.

Sa ikalawang sunod na taon ay walang Final Four na magaganap dahil winalis ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles ang 14-game elimination nang talunin sa apat na sets ang La Salle Lady Spikers noong Miyerkules.

Okupado na ng NU Lady Bulldogs ang ikatlong upuan upang maiwan ang Adamson, FEU, UST at ang pahingang UP Lady Maroons na mag-aagawan sa huling puwesto.

Huling laro ng UP ay laban sa NU at may posibilidad na magkaroon ng playoff o may didiretso sa semifinals depende sa kalalabasan ng kanilang mga huling asignatura.

Hindi pa nananalo ang UE kaya’t tiyak na gagamitin ng UST ang mas malalim na puwersa upang magkaroon pa ng tsansa na wakasan ang dalawang sunod na taon na nawala sila sa post season.

Bibitbitin ng FEU ang momentum dulot ng 19-25, 25-15, 25-19, 25-19, panalo sa UP sa huling laro ngunit asahan na hindi basta-basta padadaig ang Adamson na balak buma-ngon mula sa 13-25,15-25, 17-25, pagyuko sa La Salle sa huling laban. (AT)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ANG ADAMSON

ATENEO LADY EAGLES

FINAL FOUR

HULING

LADY

LADY WARRIORS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with