^

PSN Palaro

Win No. 3 itinarak ng Sta. Lucia, Supremo

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Marikina Sports Center)

7 p.m.  FEU-NRMF

vs MBL Selection

8:30 p.m. Hobe-JVS

vs Kawasaki-Marikina

 

MANILA, Philippines - Nagtala ng magagan­dang panalo ang Sta. Lucia Land Inc. at Supremo Lex Builders-OLFU para sa kanilang ikatlong tagumpay sa idinaraos na 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center sa Marikina City.

Tinambakan ng Sta. Lucia Land Inc. ang Uratex Foam, 96-73, habang binugbog ng  Supremo Lex Builders-OLFU ang Philippine National Police, 89-71, para manatiling nasa ika­lawa at ikatlong puwesto sa Group A kasunod ng wala pang talo at nagdedepensang kampeon Hobe Bihon-JVC.

May 15 puntos, apat na rebounds at apat na assists si Billy Robles at nagdagdag naman ng 11 puntos at tatlong mahahalagang steals si Jeff Vidal para pa­ngunahan ang Sta. Lucia sa ikatlo nitong panalo sa apat na laro.

Nalaglag sa 1-2 ang Uratex habang 0-4 ang PNP sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, at Tutor 911.

BANK BLUE WAVE MARQUINTON BRANCH

BILLY ROBLES

EQUIPMENT SALES AND RENTAL

GROUP A

HOBE BIHON

INVITATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

JEFF VIDAL

LUCIA LAND INC

MARIKINA SPORTS CENTER

SUPREMO LEX BUILDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with