Giants, Bakers maghihiwalay
Laro Ngayon
(Ynares Arena, Pasig City)
12 nn Tanduay Light
vs Bread Story-LPU
2 p.m. Café France
vs Jumbo Plastic
4 p.m. Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Magkakasukatan ang Jumbo Plastic at Café France sa tagisan ng dalawang wala pang talong koponan sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang labanan at ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na saluhan ang nagsosolo sa itaas ng team standings na Hapee (3-0).
Babangon angTanduay Light sa pagkakapahiya sa huling asignatura sa pagharap sa Bread Story-Lyceum sa unang laro sa sa-12 ng tanghali habang pupuntiryahin din ng Cagayan Valley ang ikatlong dikit na panalo kontra sa Cebuana Lhuilliier sa huling laro sa alas-4.
Galing ang Bakers mula sa 86-59 at 67-56 panalo sa MP Hotel Warriors at Racal Motors pero hindi pa rin kumbinsido si coach Edgar Macaraya na palaban ang kanyang koponan sa ligang kinatatampukan ng 12 teams.
“On-and-off pa rin. Malalaman ang lakas ng team kapag nakabangga na ang mga elite teams,” wika ni Macaraya.
Ang Giants ay isa sa mga palaban matapos umabot sa semifinals sa huling conference.
Maganda rin ang kanilang panimula matapos kalusin ang Bread Story-Lyceum (79-74) at Cebuana Lhuillier, 63-61. (ATan)
- Latest