^

PSN Palaro

Playoff sa Final 4 nilapa ng Lions

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 nn  Mapua vs St. Benilde (Jrs/Srs)

4 p.m.  San Sebastian vs Perpetual (Srs/Jrs)

 

MANILA, Philippines - Hinawakan ng San Beda Red Lions ang playoff para sa 90th NCAA men’s basketball Final Four sa kahanga-hangang 73-44 pangingibabaw sa Letran Knights kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang 44 puntos ang pina­kamababang puntos na naibigay ng four-time defending champion Red Lions ngayong taon at ikala­wang pinakamababa ito sa kabuuan ng liga matapos limitahan ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Lyceum Pirates sa 43 puntos noong Setyembre 1.

Maagang nagtrabaho ang tropa ni coach Boyet Fernandez matapos bigyan lamang ng walo at 10 puntos sa unang dalawang quarters ang Knights para layuan agad  ng 19, 37-18.

Si Arthur dela Cruz ay may 17 puntos habang si Ola Adeogun na hindi nakasama ng koponan sa u­nang laban na napagwagian ng Letran, 53-64, ay may 14 puntos at 10 rebounds.

May panuportang 11 puntos pa si Kyle Pascual para ibigay sa San Beda ang ika-12 panalo matapos ang 14 laro.

Nakumpleto rin ng kopo­nan na mabalikan ang mga koponang tumalo sa kanila sa first round dahil tinalo na rin nila ang St. Benilde para magkaroon na ng five-game winning streak.

Kailangan na lamang ng koponan na manalo ng dalawa pa para makatiyak na sa unang dalawang puwesto at ang twice-to-beat advantage. (ATan)

San Beda 73 -- Dela Cruz 17, Adeogun 14, Pascual 11, Koga 6, Amer 6, Mendoza 6, Abude 4, D. Semerad 4, A. Semerad 2, Tongco 2, Mocon 1, Cabañag 0, Sara 0.

Letran 44-- Cruz 10, Racal 8, Publico 7, Ruaya 4, Tambeling 4, Apreku 3, Quinto 3, Gabawan 3, Nambatac 2,.

Quarters: 17-8, 37-18, 55-34, 73-44.

 

vuukle comment

BOYET FERNANDEZ

CRUZ

DELA CRUZ

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

KYLE PASCUAL

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with