^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas ginising ang World Basketball Scene

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

SEVILLE, Spain - Lili­sanin ng Gilas Pilipinas ang Andalucia capital city matapos ipakilala ang bansa sa world basketball scene at nakamit ang paghanga ng mga Filipino sa buong mundo.

Sa kanilang paglaban hanggang sa huling segundo sa kanilang limang laro, napanatili ng mga Filipino ang kanilang pagkakakilanlan sa buong mundo at ipinakitang hindi lamang sila isa sa mga koponan sa Asia.

Sa kanilang isang pa­nalo at tatlong halos panggugulat, gumawa ang Gilas ng impact na dapat maging inspirasyon sa Philippine basketball.

Kumbinsido si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na ipinakita ng Nationals ang kanilang kakayahan  na dapat lamang na ipagmalaki at tinapos ang katanungan ng mga World Cup regulars kung ano at sino ang Gilas.

Walang duda si Pangi­linan na ginising ni coach Chot Reyes at ng Gilas ang mundo tungkol sa Philippine basketball mula sa kanilang katapangan at klase ng paglalaro.

“On the whole, we did well,” sabi ni Pangilinan sa farewell dinner ng Philippine delegation. “On the whole, you could see the whole world waking up to Philippine basketball and I’m happy about it.”

Ikinasiya ni Pangilinan ang katotohanan na ang Gilas Pilipinas ang naging Asian team sa nasabing 24-team tournament.

“We’re benchmarking the two other Asian countries which participated in this tourney. The losing margin of Korea was over 100 points; Iran was much, much higher than us. Bu­ying that token, we did very well,” sabi pa ni Pangilinan.

Inilampaso ang Korea sa kanilang limang laro sa Group D play, habang nanalo ang Iran ng 15 points laban sa Egypt ngunit natalo ng apat na laro sa Group A competition.

Maaalala naman ang Gilas hindi lamang sa paggupo sa Senegal kundi ma­ging sa kanilang mga laban sa Croatia, Argentina, Puerto Rico at Greece.

“Hindi lang tayo pinalad, muntik na sa atin ang Croatia, Argentina and Puerto Rico,” ani Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, titingnan nila ang naging kampanya ng Gilas sa World Cup sa kanilang pagbabalik sa Manila bukod pa sa mga sasalihang international competitions.

ARGENTINA AND PUERTO RICO

CHOT REYES

CROATIA

GILAS

GILAS PILIPINAS

GROUP A

KANILANG

PANGILINAN

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with