^

PSN Palaro

Women’s team mapapalaban naman sa UAE Pinoy Olympiad susubukan ang Austria

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ngayon ng Pilipinas ang kampanya sa 41st Chess Olympiad sa pagharap ng men’s team laban sa Austria at ang women’s team kontra sa United Arab Emirates sa  Tromso,  Norway.

Nagpahinga ang ak­syon kahapon at inaasahang ginamit ng men’s at women’s national teams ang pahinga para makondis­yon ang mga sarili para sa mas mabibigat na laban.

Wala sa men’s team ang top two players na sina GM Wesley So at GM Oliver Barbosa pero lumalaban pa rin ang kopo­nan sa pagsisikap nina GM Eugene Torre, GM Julio Catalino Sadorra, GM John Paul Gomez at IM Paulo Bersamina.

May tatlong panalo, isang tabla at isang talo ang karta ng Pilipinas para magkaroon ng 10 match points at makasalo sa 25th puwesto kasama ang 18 iba pang bansa.

Tinalo ng Pilipinas ang Afghanistan, Finland at Chile bago tumabla sa Bosnia at Herzegovina.

Balak naman ng wo­men’s team ang wakasan ang dalawang sunod na talo sa pagsukat sa UAE team.

CHESS OLYMPIAD

EUGENE TORRE

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

OLIVER BARBOSA

PAULO BERSAMINA

PILIPINAS

UNITED ARAB EMIRATES

WESLEY SO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with