^

PSN Palaro

Playoff pakay ng army vs Air force

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkakataon ngayon ng Army Lady Troopers na solohin ang liderato sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa pagharap sa Air Force Air Spikers sa The Arena sa San Juan City.

Magkasalo ang Army at pahingang nagdedepensang Cagayan Valley sa unang puwesto sa 6-1 karta at ang ikapitong panalo ay magtutulak din sa Army para sa playoff sa puwesto sa semifinals sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Pangalawang laro ito at magsisimula matapos ang pagtutuos ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters at National University Lady Bulldogs sa ganap na alas-2 ng hapon.

Nawala ang dating magandang kondisyon ng Turbo Boosters bunga ng siyam na araw na pahinga para lasapin ang 18-25, 21-25, 24-26, pagkatalo sa Ateneo Lady Eagles sa pagbubukas ng quarterfinals noong Linggo.

Kailangang bumalik na ang tikas ng koponan dahil maghahangad din ang Lady Bulldogs na makaba­ngon mula sa four-sets pagkatalo sa kamay ng Air Force.

Kasalo ng NU ang Ate­neo sa ikalima at anim na puwesto sa 3-5 baraha at mahihirapan na silang umabot sa semis kung ma­tatalo sa pangalawang sunod na laro.

Ang nakuhang momen­tum sa huling laro ang sasandalan ng Air Spikers para tumibay ang pagha­hangad ng puwesto sa susunod na round sa pag­sungkit ng ikaanim na panalo.

Sina Judy Caballejo, Joy Cases at Maika Ortiz ang mga pangunahing manlalaro ng Air Spikers pero makakatulong sa asam na panalo kung gagana uli ang laro nina Liza Deramos, May Pantino at Jocie Tapic.

Sa kabilang banda, sina Rachel Ann Daquis, Mary Jean Balse, Nerissa Bautista, Jovelyn Gonzaga at setter Tina Salak ang mga magtutulong-tulong para maulit ang 3-1 panalo sa Air Force.

AIR FORCE

AIR FORCE AIR SPIKERS

AIR SPIKERS

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

JOCIE TAPIC

JOVELYN GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with