Bumaba ang grades dahil sa cellphone
Dear Dr. Love,
Ako po ay isang ina na labis na nag-aalala sa aking anak. Napapansin ko po kasi na halos buong araw na siyang nakatutok sa cellphone. Madalas ay naglalaro siya ng online games at nagbababad sa social media kaya hindi na niya nabibigyan ng sapat na oras ang kanyang pag-aaral.
Dahil dito, bumababa na ang kanyang mga grades sa paaralan at hindi agad natatapos ang kanyang mga takdang-aralin. Kapag pinagsasabihan ko naman siya, madalas ay hindi siya nakikinig o kaya ay nagtatampo. Bilang magulang, gusto ko lang naman na mapabuti ang kanyang kinabukasan pero nahihirapan na po akong gabayan siya.
Ano po kaya ang maaari kong gawin para mabawasan ang kanyang paggamit ng cellphone at maibalik ang kanyang pokus sa pag-aaral?
Doring
Dear Doring,
Hindi masamang gumamit ng cellphone ang mga bata dahil bahagi na ito ng makabagong panahon at maaari rin itong makatulong sa pag-aaral. Pero kapag ito na ang nagiging dahilan para mapabayaan ang pag-aaral, mga gawaing-bahay, at pakikisalamuha sa pamilya, kinakailangan na itong mabigyan ng wastong gabay.
Sa halip na puro pagbabawal, subukan ninyong kausapin nang masinsinan ang inyong anak.
Alamin kung bakit siya sobrang nahuhu-maling sa cellphone.
Kapag nauunawaan ninyo ang dahilan, mas madali ninyo siyang matutulungan na baguhin ang kanyang nakasanayan.
Maaari rin kayong magtakda ng oras para sa paggamit ng cellphone at maglaan ng panahon para sa iba pang kapaki-pakinabang na gawain.
Dr. Love
- Latest















