^

PSN Palaro

PATAFA election tuloy sa Hulyo 25

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang nakatakdang halalan sa PATAFA sa Hul-yo 25.

Ayon sa pababa ng pangulo ng track and field na si Go Teng Kok, sinabi nito na ayos na ang SEC registration ng asosasyon para wala ng makapigil pa sa nakaplanong election.

“Binayaran na namin ang penalty dahil narevoke ang SEC registration namin. Ayos na lahat,” ani Go.

Naunang nagsabi ang POC na hindi makakapagdaos ng election ang PATAFA dahil hindi pa ayos ang SEC registration at wala pa silang isinumiteng Constitution at By Laws.

Pero ipinagdiinan ni Go na bagama’t nagkaproblema noon ang asosasyon naayos na nila ito. 

“I plan to invite also a representative from SEC para makita nila kung tama ang ginagawa namin,” wika pa ni Go.

Si Asian Athletics Association secretary general Maurice Nicholas ay dara­ting mula sa international federation para saksihan at bigyan ng basbas ang halalan.

 Si PATAFA chairman at dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Ella Juico ang siyang itinutulak ni Go para pumalit sa kanyang puwesto.

Matapos ang 24 taon sa puwesto ay ibinigay na sa iba ni Go ang pangpa­nguluhan dahil naaapektuhan na ang Pambansang atleta dulot ng away na kan­yang hinaharap sa POC at PSC.

 

AYON

AYOS

BINAYARAN

BY LAWS

GO TENG KOK

MAURICE NICHOLAS

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SI ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with