^

PSN Palaro

No. 1 spot itatagay ng SMB sa NorthPort

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
No. 1 spot itatagay ng SMB sa NorthPort
Tatagayan ng Beermen ang Batang Pier ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Ginebra Gin Kings at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang mahalagang panalo ang hangad ng San Miguel sa pagsagupa sa talsik nang NorthPort sa huling elimination playdate ng PBA Season 49 Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tatagayan ng Beermen ang Batang Pier ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Ginebra Gin Kings at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi.

Magkasosyo sa liderato ang Magnolia at NLEX sa kanilang magkatulad na 8-3 record kasunod ang San Miguel (7-3), Barangay Ginebra (7-3), Converge (7-4), Rain or Shine (6-4), TNT Tropang 5G (6-5), nagdedepensang Meralco (6-5) at mga talsik nang Phoenix (4-7), NorthPort (2-8), Blackwater (2-9) at Terrafirma (1-10).

Ang Top Four teams ang bibigyan ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals kontra sa magtatapos sa No. 8, 7, 6 at 5, ayon sa pagkakasunod.

Ang Hotshots at Road Warriors pa lamang ang nakasikwat ng ‘twice-to-beat’ incentive at nag-aabang ng huling puwestuhan sa quarterfinals.

Makukuha ng Beermen ang No. 1 spot sa quarterfinals katapat ang No. 8 team sakaling talunin ang Batang Pier.

“Parang against NorthPort start na ng best-of-three namin,” ani SMB coach Leo Austria. “Kapag nanalo kami, isa na lang to get to the semifinals. Kapag natalo kami we have to win two in a row.”

Kung malasin ang Beer­men sa Batang Pier at manaig ang Gin Kings sa Elasto Painters ay ma­­huhulog ang tropa ni Austria sa No. 5 at makakatapat ang uupo sa No. 4 na FiberXers.

“Don’t underestimate our opponent and we have to control their transition offense dahil they keep on running simply because mas maliit sila kaysa sa amin. The only way they can beat us is by trying to outrun us,” ani Austria sa pagharap ng SMB sa NorthPort na ginulat ang NLEX, 113-108, sa huli nilang laro.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with