^

PSN Palaro

Donaire tagumpay sa comeback fight

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Donaire tagumpay sa comeback fight
Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire.
Al Bello/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines —  Walang bahid ng pa­nga­ngalawang si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire na tagumpay sa kanyang pagbabalik-aksyon.

Hindi mabakas ang anumang pagbagal nang gapiin ni Donaire si Andres Campos ng Chile via technical decision upang mahablot ang World Boxing Association (WBA) interim bantamweight belt kahapon sa Casino Buenos Aires sa Buenos Aires, Argentina.

Tinamaan ng headbutt si Donaire dahilan para magkasugat ito at patuloy ang pagdaloy ng dugo sa kanyang kanang mata sa ninth round.

Kaya naman nagpasya ang referee na itigil na lamang ang laban.

Para malaman ang desisyon, bumase ang mga hurado sa scorecards.

Lamang si Donaire sa tatlong mga hurado kung saan nakakuha ito ng 87-84, 87-84 at 88-83 puntos para makuha ang technical decision win.

Umangat si Donaire sa 43-8 rekord tampok ang 28 knockouts habang bagsak naman si Campos sa 17-2-1.

Mas bata ng di hamak si Campos na nasa 28-an­yos lamang kumpara kay Donaire na nasa 42-anyos na.

Subalit hindi ito naging hadlang sa Pinoy champion para makuha ang panalo dahil naging armas nito ang kanyang malalim na karanasan.

Ito ang unang panalo ni Donaire sapul noong kanyang huling laban.

Matatandaang natalo si Donaire kay undisputed champion Naoya Inoue ng Japan noong 2022 kung saan naitarak ng Japanese ang second round knockout win.

Hindi rin pinalad si Do­naire nang makaharap nito si Mexican Alejandro Santiago na nanalo via una­nimous decision noon namang 2023.

Inaabangan na ni Do­naire ang susunod na ma­ka­kasagupa nito.

Ang mananalo sa pagitan nina WBA bantamweight champion Antonio Vargas ng Amerika at Daigo Higa ng Japan sa Hulyo 30 ang haharapin ni Donaire sa kanyang sunod na laban.

BUENOS AIRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with