^

PSN Palaro

Ildefonso top pick ng Blackwater

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dadalhin ni two-time PBA Most Valuable Pla-yer Danny Ildefonso ang kanyang eksperyensa sa expansion team na Blackwater Sports sa darating na 40th season ng PBA sa Oktubre.

Ito ay matapos hirangin ng Elite ang 37-anyos na si Ildefonso bilang top pick sa idinaos na dispersal draft kahapon.

Ang 6-foot-5 na si Ildefonso ng National University ang kinuhang No. 1 overall pick ng Formula Shell noong 1998 PBA Rookie Draft na nagbunga ng walong PBA championships sa kanyang paglalaro para sa San Miguel Beer.

Sa kanyang huling paglalaro sa Meralco sa nakaraang PBA Governors’ Cup ay nagposte ang tubong Urdaneta, Panga­sinan ng mga averages na 3.1 points at 2.1 rebounds.

Ang iba pang hinugot ng Blackwater ni head coach Leo Isaac ay sina Alex Nuyles, JR Cawaling, Eddie Laure, Bryan Faundo, JP Erram, Paul Artadi, Gilbert Bulawan, Bam Bam Gamalinda, Chris Timberlake, Wesley Gonzales at Raymund Celiz.

Hinirang naman ng expansion team ding Kia Motors ni head coach Manny Pacquiao si 6’6 Reil Cervantes bilang No. 2 pick.

Bukod sa dating Tamaraw ng Far Eastern University, ang iba pang hinugot ng Kia ay sina Michael Burtcher, Hans Thiele, Alvin Padilla, Jai Reyes, Paul Sanga, Raymundo, Eder Saldua, Nick Belasco, LA Revilla, Joshua Webb at Chad Alonzo. May limang araw ang dalawang expansion squads para papirmahin ng kontrata ang mga players na kanilang nakuha sa dispersal draft.

Magbabalik ang mga drafted players sa unprotected list ng kanilang mga mother clubs kung hindi sila mapapapirma ng Kia at Blackwater. (RCadayona)

ALEX NUYLES

ALVIN PADILLA

BAM BAM GAMALINDA

BLACKWATER SPORTS

BRYAN FAUNDO

CHAD ALONZO

CHRIS TIMBERLAKE

DANNY ILDEFONSO

EDDIE LAURE

EDER SALDUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with