^

PSN Palaro

Grand Slam champion team ni Cone matatapyasan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napuwersa ang San Mig Coffee na galawin ang kanilang Grand Slam champion team para sa dispersal draft na isasagawa ng PBA para sa mga expansion teams na Team Kia at Blackwater Sports sa Hulyo 18.

Ngunit sinabi ni coach Tim Cone na pananatilihin niya ang kanyang core group na kinabibilangan nina James Yap, Marc Pingris, Joe Devance, PJ Simon at Mark Barroca.

Handa naman nilang pakawalan sina reserves JR Cawaling, Ken Bono at Lester Alvarez.

Kailangan ni Cone na magdesisyon kung sino ang kanyang isasama sa “protective list” sa Lunes dahil ang bawat koponan ay lilimitahan sa 12 regulars at dalawang reserves para sa susunod na season.

Ang sobra nilang mga players ang ilalatag para sa dalawang expansion teams.

“That’s the toughest thing now,” sabi ni Cone.

Ang iba pang players na nasa San Mig camp sa ngayon ay sina Ian Sangalang, Justin Melton, Alex Mallari, Rafi Reavis, Allein Maliksi, Ronnie Matias, Jerwin Gaco, Yousef  Taha at Isaac Holstein.

Samantala, sinasabing ipupursige ni boxing legend Manny Pacquiao ang kanyang pangarap na maka­pag­laro sa pro league.

Handa nang isumite ni Pacquiao sa PBA Office ang kanyang application papers para sa PBA Draft.

Kung matutuloy ang pagiging playing coach sa PBA ni Pacquiao ay sinabi ni Cone na “The people will realize just how good the PBA is.”

Idinagdag pa ni Cone na si Pacquiao ang magdaragdag ng excitement sa liga.

vuukle comment

ALEX MALLARI

ALLEIN MALIKSI

BLACKWATER SPORTS

GRAND SLAM

HANDA

IAN SANGALANG

ISAAC HOLSTEIN

JAMES YAP

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with