2 golds, 1 silver sinagwan ng Pinoy paddlers sa China
MANILA, Philippines - Natapos din ang mga kabiguang inabot ng Pilipinas sa larangan ng draÂgon boat nang manalo ang Pambansang koponan na naglaro sa 1st IDBF World Cup ng dalawang ginto at isang pilak na ginawa sa Fuzhou, China.
Kinilala ang bansa bilang world champions sa larangan ng premier mixed standard 100-meter at 500-meter distance habang ang pilak ay nakuha sa 200-meter race.
Naorasan ang koponang inilahok ng PhiÂlippine Dragon Boat FeÂderation (PDBF) ng 23.445 segundo sa 100-m race para manalo sa Canada (23.825), China (24.049) at Hong Kong (25.127) habang ang koponan ay nagtala ng 2:03.693 sa 500-m race para hiyain ang China (2:03.94), Canada (2:04.553) at US (2:04.709).
Ang dalawang tagumÂpay ang pumawi sa pagkatalo sa China sa 200-m race nang naorasan ng 49.525 laban sa 48.659 ng China.
Ang mga napanalunang karera ay kinatampukan ng 20 paddlers at ang mga nakuhang medalya ay nangyari matapos ang pagsungkit ng PDBF team ng isang ginto at dalawang pilak sa Asian Dragon Boat Championships sa Macau kamakailan.
Sumali pa ang bansa sa small boat (10 paddlers) sa 400-meter at 1000-meter race pero hindi pinalad na nanalo ng medalya.
Ang China ang siyang nagdomina sa nasabing mga karera upang lumabas bilang overall champion bitbit ang tatlong ginto, isang pilak at isang bronze.
Umabot sa 12 bansa ang sumali sa torneong pinamahalaan ng International Dragon Boat FeÂderation (IDBF) na kiÂnaÂÂbibilaÂngan ng Australia, Great Britain, Russia, Czech Republic, Italy, Guam at Germany.
Dati ng kinikilala ang Pilipinas bilang isang world power sa dragon boat pero nawala ito nang ipag-utos ng Philippine Olympic Committee (POC) na alisin bilang kasapi ang PDBF at isinama ang dragon boat sa Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF).
Ngunit nagkaroon ng kontrobersya ang national paddlers at PCKF officials dahilan upang maalis sila sa koponan. Nakabuti ang pangyayari dahil ang karamihan ay bumalik sa PDBF para makabuo uli ng malakas na koponan ang asosasyong hawak ni Marsha Cristobal at manumbalik ang kinang ng Pilipinas sa dragon boat.
- Latest