Pacquiao punong abala sa PLDT-ABAP National Championship
DIGOS, Davao del Sur, Philippines ---Idaraos ang PLDT-ABAP National Championships sa Hulyo 1-7 sa Digos City Gymnasium sa ilalim ng sponsorship ni eight-title world champion at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa pakikipagtulungan sa provincial government ng Davao del Sur ni Governor Claude Bautista.
Sinabi ni Pacquiao na gusto niyang sariwain ang kanyang pagiging amateur boxer nang magsimula sa Digos team.
“Dito ako nagsimula bilang amateur boxer. At dahil amateur boxing naman ang tournament, naisip ko na gawin sa Digos. Marami akong magandang alaala dyan,â€, wika ng WBO welterweight champion na miyembro rin ng ABAP Board of Directors bilang kinatawan ng Region 12 (SOCSARGEN).
Nakipagpulong na si ABAP Executive Director Ed Picson kay Gov. Bautista noong Lunes sa Davao del Sur Capitol Building.
Si Pacquiao ay kinataÂwan naman ng kanyang dating trainer at ngayon ay team manager ng Pacman Boxing Team na si Luisito “Bebe†Tinagsa na tataÂyong competition manager ng torneo.
“We are honored by this gesture of Cong. Pacquiao, who is also a close personal friend. Our province is ceÂlebrating its 47th Founding Anniversary and this national championships will enhance our celebrations. Davao del Sur will be ready to warmly welcome all the participants, officials and spectators,†ani Bautista.
- Latest