^

PSN Palaro

Mga beterano umangat sa PNG

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kagaya ng inaasahan, muling ipinakita ng mga beteranong sina Narcisa Atienza ng Baguio at Rosie Villarito ng Bacolod ang kanilang eksperyensa nang kumuha ng gintong medalya sa athletics event ng PSC Philippine National Games kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Inangkin ni Atienza ang ginto sa women's high jump matapos lumundag ng taas na 1.70 metro para talunin sina Joeann Bermudo ng Philippine Air Force-A (1.60m) at Charrie Catanan ng PLDT (1.58m).

Naghagis naman si Villarito, ang 2009 Laos SEA Games gold medalist, ng 48.55m sa ikaanim at huling attempt para maibulsa ang gold medal sa javelin throw.

Inungusan niya sina Evalyn Palabrica (39.66m) ng PAF-A at Jenelyn Arle (38.11m) ng University of the Philippines.

Ang nasabing marka ng 34-anyos na si Villarito ay lampas sa 48.43m para sa bronze medal sa nakaraang SEA Games sa Myanmar noong 2013.

Inangkin naman ni Katherine Solis ng Baguio ang ginto sa long jump nang lumundag ng 5.87m kasunod sina Felyn Dolloso (5.39m) ng DLSU-Dasmariñas at Singaporean Jannah Nurul (5.39m).

Si Santos ang bronze medalist noong 2011 SEA Games kung saan siya naglista ng 6.25m sa Indonesia.

Sa Tagaytay, sinikwat ni Jerich Far ang gold medal sa mountain bike downhill event nang magrehistro ng 1:54.81 para iwanan sina Eleazar at Joey Barba na naorasan ng 1:55.46 at 1:56.65, ayon sa pagkakasunod, sa taunang sports meet na itinataguyod ng Summit Natural Drinking Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Standard Insurance at SM Marikina.

CHARRIE CATANAN

DRINKING WATER

EVALYN PALABRICA

FELYN DOLLOSO

FOREVER RICH PHILIPPINES

INANGKIN

JENELYN ARLE

JERICH FAR

JOEANN BERMUDO

JOEY BARBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with