^

PSN Palaro

Matindi ang aksyon sa semis

Pilipino Star Ngayon

 Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Adamson Lady Falcons

vs FEU Lady Tamaraws

4 p.m. National U Lady Bulldogs

 vs UST Lady Tigresses

 

MANILA, Philippines - Labanan ng dalawang koponan na matitikas sa spiking ang matutungha­yan sa pagkikita ng nagdedepensang kam­peon National U Lady Bulldogs at UST Tigresses habang tagisan ng mga mahuhusay na imports ang sa hanay ng FEU Lady Tamaraws at Adamson Lady Falcons sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference semifinals na magsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.

Winalis ng Lady Bulldogs ang laro sa quarterfinals para maging number one sa Group 2 at ang koponan ang lumabas bilang best spiker sa naitalang 39.97 success rate.

Ang matatangkad na manlalaro na sina Dindin Santiago, Jaja Santiago, Aiko Urdas, Carmina Aganon at Myla Pablo ang mga huhugutan ng lakas sa pag-atake para sa NU at makauna sa best-of-three series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Pero hindi paiiwan ang Tigresses na number two sa departamento sa 34.92 success rate at sasandal sa husay ng bagitong guest player na si Ennajie Laure bukod sa mga beteranang sina Pamela Lastimosa, Carmela Tunay, Jessey De Leon at Marivic Meneses.

Ang bagong pasok na guest players na sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn  Gonzaga ang huhugutan ng puwersa ng Lady Tamaraws para makatuwang ng mga dating inaasahan na sina Bernadette Pons at Mary Joy Palma.

Nakita ang bangis nina Daquis at Gonzaga nang tulungan ang FEU na daigin ang St. Benilde Lady Blazers at Arellano Lady Chiefs sa quarterfinals. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AIKO URDAS

ARELLANO LADY CHIEFS

BERNADETTE PONS

CARMELA TUNAY

LADY

LADY TAMARAWS

NATIONAL U LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with