Rising Suns binawian ang Elite Oilers diniskaril ang Superchargers
MANILA, Philippines - Tinapos ng Derulo Accelero Oilers ang anim na sunod na kabiguan nang gulatin ang Big Chill Superchargers, 77-76, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Nagtulong sina Raul Soyud at Michael Juico para palawigin sa double-digits ang kanilang kalamangan sa huling yugto at kahit nakapanakot ang Superchargers nang dumikit sa isa, 77-76, ay hindi nakumpleto ang pagbaÂngon upang bumaba sa 3-4 karta.
Si Soyud ay may 16 puntos at 17 rebounds bukod sa tatlong blocks habang si Juico ay may 15.
Si Jiovani Jalalon ang nanguna sa Oilers sa 17 puntos bukod sa walong rebounds at pitong assists para hindi mauwi sa winless campaign ang paÂÂngalawang sunod na pagsali ng koponan sa liga.
Tangan ng Oilers ang 76-66 kalamangan sa huÂling tatlong minuto nang pumukol ng 3-pointers sina Janus Lozada at Mar Villahermosa sa 10-1 palitan at makapanakot sa pagdikit sa isang puntos.
Nag-error si Jalalon pero hindi nakapaglatag ng magandang play ang tropa ni Robert Sison para malagay sa peligro ang paghahabol para sa puwesto sa quarterfinals.
Sinilat din ng Cagayan Valley Rising Suns ang nagdedepensang Blackwater Sports Elite sa 93-91 panalo sa ikalawang laro.
Sina LA Revilla at Ed DaÂquioag ay bumuslo ng magkasunod na krusyal na jumper matapos lumapit ang Elite sa tatlo, 89-86, sa huling 48 segundo para tumabla ang Rising Suns sa Superchargers sa mahalagang ikaanim na puwesto.
Nanguna sa Cagayan si Lord Casajeros sa 23 puntos habang si Kenneth Ighalo ay mayroong 21 pa.
Sina Jericho Cruz at Reil Cervantes ay naghatid ng tig-17 puntos para sa Elite na nakitang nagwakas ang tatlong sunod na panalo tungo sa 3-3 baraha.
- Latest