^

PSN Palaro

Guiao pinagmulta ng P100K

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang kanilang mga ikinilos sa Game Two ay may ka­rampatang parusa.

Pinatawan kahapon ng PBA Commissioner’s Office si Rain or Shine head coach Yeng Guiao at Meralco for­ward Cliff Hodge ng P100,00 at P20,000, ayon sa pag­­kakasunod.

Ang nasabing multa kay Guiao ay dahil sa pagsasabi nitong ‘mongoloid’ ang 6-foot-4 na si Hodge sa kanilang kom­prontasyon matapos ang 102-93 pananaig ng Elasto Painters sa Bolts sa Game Two ng 2014 PBA Commissio­ner’s Cup noong Miyerkules sa Smart Arenata Coliseum.

Ayon kay PBA Commissioner Chito Calud, hindi ito ka­tanggap-tanggap sa isang kagaya ni Guiao.

“We find the conduct of Coach Guiao unbecoming and unacceptable on two counts: first, accosting and insulting a player with total disregard for civility and circumspection; second, using the word ‘mongoloid,’ a derogatory term alluding to people with Down’s syndrome,” wika ni Salud.

Ang ginawa ni Guiao ay mula sa pananapok ni Hodge kay Rain or Shine rookie center Raymond Almazan sa isang rebound play sa dulo ng fourth quarter.

Matapos ang laro ay hinintay ni Guiao si Hodge sa dulo ng court at saka niya binulyawan ang Fil-Am cager.

Umabot na sa P1.35 milyon, kasama rito ang P426,000 mula sa Rain or Shine walkout sa Philippine Cup Fi­nals kontra sa San Mig Coffee, ang nakolekta kay Guiao.

CLIFF HODGE

COACH GUIAO

COMMISSIONER CHITO CALUD

ELASTO PAINTERS

GAME TWO

GUIAO

PHILIPPINE CUP FI

RAYMOND ALMAZAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with