Wala pang katiyakan na papasok sa NBA Finals ang top seeds
MIAMI--Bago magsimula ang season ay naging paborito na sa isang online poll ang muling paghahari ng Miami Heat mula sa nakuhang 76 porsiyentong boto.
Ngunit nagbago na ang lahat.
Hindi pa tiyak kung makukuha ng Heat ang kanilang ikatlong sunod na korona.
Ang San Antonio at Indiana ang mga top seeds at may tsansa rin ang Brooklyn, Chicago, Los Angeles Clippers, Oklahoma City, Golden State, Houston at Portland.
“There are 16 teams that have a chance to win it,†sabi ni Oklahoma City coach Scott Brooks, ang koponan ay No. 2 seed sa West.
Subalit walang katiyakan na ang mga No. 1 seeds ay makakaabot sa NBA Finals.
Nangyari lamang ito ng 11 beses sa nakaraang 35 taon.
Naniniwala si coach Jason Kidd ng Brooklyn Nets na lahat ay may pag-sang manalo ng NBA championship.
Ngunit alam sa kasaysayan na hindi kasama sa bilang ang mga sixth-seeded club.
Sapul noong 1979, tanging limang No. 4 seeded sa kanilang conference ang nakapasok sa NBA Finals.
Nakatakdang simulan ngayon ang NBA Playoffs kung saan lalabanan ng No. 1 Indiana Pacers ang No. 8 Atlanta Hawks, habang sasagupain ng No. 3 Toronto Raptors ang No. 5 Brooklyn Nets sa best-of-seven series sa Eastern Conference.
Sa Western Conference ay magtatapat ang No. 3 Los Angeles Clippers at No. 6 Golden State Warriors at makakatagpo ng No. 2 Oklahoma City Thunder ang No. 8 Memphis Grizzlies.
- Latest