^

PSN Palaro

Blatche excited nang maging Pinoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang approval na lamang ang kailangan ni Brooklyn Nets baller Andray Blatche upang tuluyan nang maging naturalized Filipino at matulungan ang national men’s basketball team sa nalalapit na world cup.

Dahil dito ay excited na ang NBA player na ibahagi ang kanyang talento sa Gilas Pilipinas para sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup sa Agosto.

“I am excited. This is something new. It is a blessing for this opportunity,” wika ni Blatche kay NBA Philippines’ correspondent Julius Romero. “Hopefully, I can share my talent in helping the Philippines.”

Nitong nakaraang linggo lamang ay lumusot na sa committee on Justice and Human Right ang Senate Bill 2108 ni Sen. Sonny Angara upang gawing Pilipino si Blatche.

Nakasalalay na lamang sa Senado at sa Palasyo ang kapalaran ni Blatche at ng Gilas Pilipinas na nakatakdang ipasa ang lahat ng papeles bago mag Hulyo 15.

Inaasahang palalakasin ng 6’11 na si Blatche ang front court ng Gilas Pilipinas at papalitan ang naunang naturalized player na si Marcus Douthit.

Tumatabo ng 11.3 points na average ang 27-anyos na si Blatche sa NBA na sinahugan pa ng 5.3 rebounds, 1.5 assists at 1 steal sa 22.2 minutong nilalar niya sa Nets.

ANDRAY BLATCHE

BROOKLYN NETS

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

JULIUS ROMERO

JUSTICE AND HUMAN RIGHT

MARCUS DOUTHIT

OH THIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with