^

PSN Palaro

Allen nagbida sa Heat

Pilipino Star Ngayon

MIAMI - Humugot si Ray Allen ng 14 sa kanyang 25 points sa fourth quarter, habang nagdagdag ng tig-24 sina Dwyane Wade at LeBron James para igiya ang Miami Heat sa 113-104 panalo kontra sa Houston Rockets.

“When Ray gets into a rhythm, he’s the best 3-point shooter of all-time,” sabi ni Heat forward Chris Bosh, tumipa ng 18 points.

Naiwanan ng Rockets sa 97-92 matapos ang 3-pointer ni James Harden sa gitna ng fourth period, nagpakawala ang Heat ng isang 21-7 atake para agawin ang panalo.

Sa naturang ratsada ay umiskor si Allen ng 11 points, kasama rito ang isang 3-pointer na naglagay sa kanya sa unahan bilang pang-21 sa scoring list ng NBA.

Tumapos naman si Harden na may 30 points para sa Houston, nakakuha ng 21 points at 14 rebounds kay Dwight Howard.

Sa San Antonio, tinulungan ni Manu Ginobili ang Spurs na itawid ang 10-game winning streak matapos talunin ang Utah Jazz, 122-104.

Tumipa si Ginobili ng 21 points kasunod ang 18 ni Tony Parker para sa Spurs.

Ang San Antonio (50-16) ang naging unang NBA team na nakapagtala ng 50 wins.

May 4-0 record ang Spurs laban sa Jazz (22-45) nga­yong season.

Sa Los Angeles, kumolekta si Blake Griffin ng 21 points, 11 rebounds at 8 assists sa kanyang ika-25 kaarawan at tinalo ng Los Angeles Clippers ang Cleveland Cavaliers, 102-80.

Ito ang pang-11 sunod na panalo ng Clippers.

Nagtala naman si guard Chris Paul ng 15 assists at humugot ng 11 sa kanyang 16 points sa huling 6:04 minuto ng laro para sa Clippers, hindi pa natatalo sapul noong Pebrero 21.

Gumawa naman si Luol Deng ng 23 points at may 15 si Dion Waiters sa panig ng Cavaliers.

ANG SAN ANTONIO

BLAKE GRIFFIN

CHRIS BOSH

CHRIS PAUL

CLEVELAND CAVALIERS

DION WAITERS

DWIGHT HOWARD

DWYANE WADE

HOUSTON ROCKETS

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with