Barriga wagi sa Chinese boxer sa WSB
MANILA, Philippines - Umiskor ng panalo si London Olympian Mark Anthony Barriga sa World Series of Boxing (WSB), ang semi-professional league na inihahandog ng International Boxing Association (AIBA).
Ang WSB ay may mga koponan mula sa 12 bansa ngunit ang komposisyon ay mga boxers mula sa ibang bansa.
Si Barriga ay kinuha ng Italia Thunder na suportado ng high-fashion brand na Dolce & Gabbana.
Sa laban ng Thunder kontra sa USA Knockouts sa Milan, tinalo ni Barriga si Chinese boxer Lu Bin ng USA na inilarawan ng boxing website na boxingnews24.com bilang “an epic clash between two of the WSB’s hottest up-and-coming light flyweightsâ€.
Ang panalo ni Barriga ang nagbigay sa Italian franchise ng 3-2 edge sa kanilang 5-match encounter ng mga Americans.
Sa panalo kay Lu, si Barriga ay mayroong malinis na 3-0 record ngayon sa WSB at umakyat sa No. 2 sa kanyang weight division’s rankings sa likod ni Yosbany Veitia ng Havana Domadores, may 5-0 card.
Ang mga naunang tinalo ni BarriÂga ay sina Leandro Blanc ng Argentina at Ovidiu Berceanu ng Germany.
- Latest

















