Painters maaaring pagmultahin ng P2M dahil sa walkout
MANILA, Philippines - Kung mapapatunayang lumabag sa patakaran ng Philippine Basketball Association (PBA) ay maaaring mapatawan ang Rain or Shine ng multang P2 milyon.
Ito ay dahil sa ginawang ‘partial walkout’ ng Elasto PainÂters sa 11:39 ng second period kontra sa nagkampeong San Mig Coffee Mixers sa Game Six sa 2013-2014 PBA Philippine Cup Finals noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Personal na tinungo ni PBA Commissioner Chito Salud ang dugout ng Rain or Shine kung saan niya nakausap si team owner Raymund Yu bago binigyan ng 15-minute grace period ang koponan para bumalik sa basketball court.
Hinggil sa patakaran ng liga sa mga walkouts, ang koÂponang magsasagawa ng “partial walkout†ay pagmumultahin ng P2 milyon.
“The rules on walkouts, partial or otherwise, are clear and we will enforce them accordingly,†sabi ni Salud sa isang official statement kahapon.
Nakatakda sanang dinggin ni Salud ang panig ng Rain or Shine kahapon, ngunit humiling ang koponan na itakda ito sa ibang araw.
Ang Rain or Shine ang ikaapat na koponang nagsaÂgawa ng walkout sa kasaysayan ng professional basketball league.
Ang una ay ang Anejo Rum noong 1990 na nagresulta sa kanilang multang P500,000 kasunod ang Talk ‘N Text sa isang playoff game noong 2010 na nagresulta sa kanilang multang P1 miyon.
Nagbalak ang Red Bull, nasa ilalim ni Guiao, na mag-walkout noong 2006 subalit nagbalik din sa playing court kagaya ng Painters noong Miyerkules.
- Latest