Pacquiao pinahanga si Rhodes
MANILA, Philippines - Hindi napigil si Lydell Rhodes na mapahanga sa magandang kondisyon ni Manny Pacquiao.
Apat na rounds silang nag-sparring ng Pambansang kamao at bagama’t sandali lamang ito, dumugo naman ang ilong nito nang tamaan ng malakas na suntok ni Pacman.
“Manny is in better shape than I thought he’d be. It was a good surprise,†wika ng 26-anyos na si Rhodes na hindi pa natatalo matapos ang 19 laban.
Kinuha siya bilang sparmate dahil halos magkaisa ang istilo nila ni WBO welterÂweight champion Timonthy Bradley na siyang lalabanan uli ni Pacquiao sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Sinabi ni Rhodes na kaya niyang gayahin ang kilos ni Bradley at ang mas maganda sa kanya ay mas mabilis umano siya para mas makapaghanda nang husto si Pacquiao.
“Just like Bradley, I have the same build and height. But I say I’m faster. We both have good movement and I do a lot of things similar to Bradley,†dagdag pa nito sa panayam ng GMA-7.
Sa GenSan nagsimula ng paghahanda si Pacquiao kasama ang trainer na si Freddie Roach at hanap ng Team Pacquiao ang maibalik ang dating mabangis na porma ng Kongresista ng Sarangani Province para makabawi sa kontrobersyal na split decision pagkatalo noong 2012.
Para tiyakin na ilalabas ni Rhodes ang kanyang magandang porma sa pagsasanay ay inanunsyo ni Roach ang kahandaan na bigyan siya ng $1500 insentibo kung mapatumba si Pacquiao sa kanilang pagÂsasanay.
Inaasahang magtatagal si Pacquiao sa General Santos City hanggang sa pangalawang linggo ng Marso bago lumipat sa Wild Card Gym sa Los Angeles upang dito tapusin ang paghahanda.
Makakasagupaan ni Pacquiao sa Wild Card Gym ang mga dating world champion na sina Steve Forbes at Kendall Halt upang tunay na mailagay ito sa pinakamagandang kondisyon. (ATan)
- Latest