^

PSN Palaro

Saints, Lady Patriots NCRAA champions

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor lamang si Gil Marte ng 5 points, ngunit ang kanyang krusyal na three-point shot sa dulo ng fourth period ang nag-akay sa St. Clare College-Caloocan Saints sa 70-66 panalo laban sa Philippine Merchant Marine School Mariners para angkinin ang men’s basketball crown ng 21st National Capital Region Athletic Association (NCRAA) sa Makati Coliseum.

Isinalpak ni Marte ang naturang tres sa huling 12.5 segundo para ibigay sa Saints ang 69-66 abante mula sa 66-66 pagkakatabla. Winalis ng St. Clare ang kanilang best-of-three titular showdown ng PMMS.

Tumipa naman si Eric Acuna ng isang free throw sa natitirang 4.7 segundo para sa final score.

Ito ang unang titulo ng Saints sa liga sa kanilang unang pagsali sa cagefest na suportado ng Mikasa at Molten Balls.

Binanderahan ni Jayson Ibay, hinirang na Most Valua­ble Player, ang St. Clare sa kanyang 24 points.

Tinapos ng Saints ang season na walang talo sa ka­buuan nilang 14 laro, kasama rito ang 12-game eli­mination-round assignment.

Samantala, sumandal ang La Salle-Dasmariñas Lady Patriots sa charities nina Kat Mangahas at MVP Jessa Tarroja para talunin ang Rizal Technological University Lady Thunders, 57-55, at sikwatin ang women’s honors via a two-game sweep.

vuukle comment

ERIC ACUNA

GIL MARTE

JAYSON IBAY

JESSA TARROJA

KAT MANGAHAS

LA SALLE-DASMARI

LADY PATRIOTS

MAKATI COLISEUM

ST. CLARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with