^

PSN Palaro

Mas maaksyon ang paghataw ng 7th Prima Pasta Badminton C’ship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas magiging maak­syon ang 7th Prima Pasta Badminton Championship na bubuksan sa Marso 2 dahil sa pagbibigay ng ranking points sa mga sasali sa Open Division.

“For the first time, Open division participants will have a chance to gain ran­king points so expect players to really give their best and aspire for it,” wika ni Ale­xander Lim, ang organizing chairman sa media briefing na ginawa kahapoon sa Corporate Building sa Makati City.

Ang kompetisyon ay isasagawa katuwang ang Philippine Badminton Association (PBA) at sa unang pagkakataon ay bibigyan din ng ayuda ng Smart at MVP Sports Foundation.

Si Senior manager ng Smart Sports marketing division Chris Quimpo ang kumatawan sa MVPSF at ipinagmalaki niya na ito na ang simula ng magandang pagtutulungan ng dala­wang grupo para paunlarin pa ang badminton sa bansa.

Ang businessman/sportsman na si Manny V. Pangilinan ay siya ring chairman ng Philippine Badminton Association (PBA).

Ang kompetisyon ay gagawin sa petsang Marso 1 at 2 at 8 at 9 sa iba’t-ibang age groups sa boys at girls singles at doubles.

Ang mga kategoryang paglalabanan ay sa under -19, 17, 15 at 13 sa singles at under-19, 17 at 15 sa doubles.

Bukod sa mga bigating local players, sasali rin ang mga batikang manlalaro ng Indonesia sa pangunguna  ni Auggy Sedpianto na da­ting kasapi ng National team ng nasabing bansa.

Si JC Benipayo ang tour­nament director at ang mga impormasyon sa torneo ay maaaring i-download sa website na www.promapastaopen.com. (AT)

vuukle comment

AUGGY SEDPIANTO

CHRIS QUIMPO

CORPORATE BUILDING

MAKATI CITY

MANNY V

MARSO

OPEN DIVISION

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

PRIMA PASTA BADMINTON CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with